21Ngunit sinabi ni Pablo na lalapit na lang siya sa Emperador upang siya na mismo ang magpasya. Kaya nag-utos ako na bantayan siya hanggang maipadala ko siya sa Emperador.”
22Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong ito.” “Sige, bukas mapapakinggan mo siya,” sagot ni Festo.
23Kinabukasan, marangyang parada ang pagdating sa korte nina Agripa at Bernice. Maraming opisyal ng mga sundalo at mga kilalang tao sa lungsod ang sumáma sa kanila. Pagkatapos, nag-utos si Festo na dalhin doon si Pablo.
24Sinabi ni Festo, “Haring Agripa at kayong lahat na naririto ngayon, narito ang taong pinapahatulan sa akin ng mga Hudyo rito sa Cesarea at sa Jerusalem. Isinisigaw nila na ang taong ito ay walang karapatang mabuhay.
25Ngunit wala naman akong nakitang dahilan upang parusahan siya ng kamatayan. At dahil nais niyang lumapit sa Emperador, nagpasya akong ipadala siya sa Roma.