Mga Gawa 25

Subalit wala akong maisulat sa Emperador na malinaw na paratang tungkol sa taong ito. Kaya iniharap ko siya sa inyong lahat, at lalong-lalo na sa inyo Haring Agripa, upang pagkatapos ng pag-iimbestiga natin sa kanya ay mayroon na akong maisusulat.

Acts 25:26 (UKJV) Of whom I have no certain thing to write unto my lord. Wherefore I have brought him forth before you, and specially before you, O king Agrippa, that, after examination had, I might have somewhat to write.

24Sinabi ni Festo, “Haring Agripa at kayong lahat na naririto ngayon, narito ang taong pinapahatulan sa akin ng mga Hudyo rito sa Cesarea at sa Jerusalem. Isinisigaw nila na ang taong ito ay walang karapatang mabuhay.

25Ngunit wala naman akong nakitang dahilan upang parusahan siya ng kamatayan. At dahil nais niyang lumapit sa Emperador, nagpasya akong ipadala siya sa Roma.

26Subalit wala akong maisulat sa Emperador na malinaw na paratang tungkol sa taong ito. Kaya iniharap ko siya sa inyong lahat, at lalong-lalo na sa inyo Haring Agripa, upang pagkatapos ng pag-iimbestiga natin sa kanya ay mayroon na akong maisusulat.

27Sapagkat hindi ko maaaring ipadala sa Emperador ang isang bilanggo nang walang malinaw na paratang laban sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.