Mga Gawa 26

Ganito ang aking ginawa noon sa Jerusalem. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng mga namamahalang pari, maraming mga hinirang ng Diyos ang ipinabilanggo ko. At noong hinatulan sila ng kamatayan, sumang-ayon ako.

Acts 26:10 (UKJV) Which thing I also did in Jerusalem: and many of the saints did I shut up in prison, having received authority from the chief priests; and when they were put to death, I gave my voice against them.

8Bakit hindi makapaniwala ang mga naririto na binubuhay muli ng Diyos ang mga patay?

9“Noong una, napag-isipan ko mismo na dapat kong gawin ang aking makakaya para kalabanin ang taong si Hesus na taga-Nazaret.

10Ganito ang aking ginawa noon sa Jerusalem. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng mga namamahalang pari, maraming mga hinirang ng Diyos ang ipinabilanggo ko. At noong hinatulan sila ng kamatayan, sumang-ayon ako.

11Maraming beses na inikot ko ang mga sinagoga para hanapin sila, parusahan, at piliting lapastanganin si Hesus. Sa tindi ng galit ko sa kanila, nakarating ako sa malalayong lungsod sa pag-uusig sa kanila.

12“Iyan ang dahilan kung bakit ako pumunta sa Damasco taglay ang kapangyarihan at pahintulot ng mga namamahalang pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.