Mga Gawa 26

Ngunit tinulungan ako ng Diyos hanggang sa araw na ito. Kaya narito ako ngayon para sabihin sa lahat, sa mga kilalang tao o hindi, ang sinabi noon ng mga propeta at ni Moises na mangyayari:

Acts 26:22 (UKJV) Having therefore obtained help of God, I continue unto this day, witnessing both to small and great, saying no other things than those which the prophets and Moses did say should come:

20Ang una kong ginawa ay nangaral ako sa Damasco at pagkatapos ay sa Jerusalem. Mula sa Jerusalem inikot ko ang buong Judea, at pinuntahan ko rin ang mga Hentil. Ipinangaral ko na dapat pagsisihan at talikuran ang kanilang mga kasalanan at lumapit sa Diyos, at ipakita nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa na silaʼy totoong nagsisisi.

21Iyan po ang dahilan kung bakit hinuli ako ng mga Hudyo roon sa Templo at tinangkang patayin.

22Ngunit tinulungan ako ng Diyos hanggang sa araw na ito. Kaya narito ako ngayon para sabihin sa lahat, sa mga kilalang tao o hindi, ang sinabi noon ng mga propeta at ni Moises na mangyayari:

23na ang Mesias ay dapat magdusa at mamatay, at unang mabubuhay mula sa kamatayan para magbigay ng liwanag sa mga Hudyo at sa mga Hentil.”

24Habang nagsasalita pa si Pablo, sumigaw si Festo, “Pablo, nababaliw ka na yata! Sinira na nang labis mong karunungan ang ulo mo!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.