Mga Gawa 26

na ang Mesias ay dapat magdusa at mamatay, at unang mabubuhay mula sa kamatayan para magbigay ng liwanag sa mga Hudyo at sa mga Hentil.”

Acts 26:23 (UKJV) That Christ should suffer, and that he should be the first that should rise from the dead, and should show light unto the people, and to the Gentiles.

21Iyan po ang dahilan kung bakit hinuli ako ng mga Hudyo roon sa Templo at tinangkang patayin.

22Ngunit tinulungan ako ng Diyos hanggang sa araw na ito. Kaya narito ako ngayon para sabihin sa lahat, sa mga kilalang tao o hindi, ang sinabi noon ng mga propeta at ni Moises na mangyayari:

23na ang Mesias ay dapat magdusa at mamatay, at unang mabubuhay mula sa kamatayan para magbigay ng liwanag sa mga Hudyo at sa mga Hentil.”

24Habang nagsasalita pa si Pablo, sumigaw si Festo, “Pablo, nababaliw ka na yata! Sinira na nang labis mong karunungan ang ulo mo!”

25Sumagot si Pablo, “Kagalang-galang na Festo, hindi po ako baliw. Totoo ang mga sinasabi ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.