Mga Gawa 26

Habang nagsasalita pa si Pablo, sumigaw si Festo, “Pablo, nababaliw ka na yata! Sinira na nang labis mong karunungan ang ulo mo!”

Acts 26:24 (UKJV) And as he thus spoke for himself, Festus said with a loud voice, Paul, you are out of your mind; much learning does make you mad.

22Ngunit tinulungan ako ng Diyos hanggang sa araw na ito. Kaya narito ako ngayon para sabihin sa lahat, sa mga kilalang tao o hindi, ang sinabi noon ng mga propeta at ni Moises na mangyayari:

23na ang Mesias ay dapat magdusa at mamatay, at unang mabubuhay mula sa kamatayan para magbigay ng liwanag sa mga Hudyo at sa mga Hentil.”

24Habang nagsasalita pa si Pablo, sumigaw si Festo, “Pablo, nababaliw ka na yata! Sinira na nang labis mong karunungan ang ulo mo!”

25Sumagot si Pablo, “Kagalang-galang na Festo, hindi po ako baliw. Totoo ang mga sinasabi ko.

26Ang mga bagay na ito ay alam ni Haring Agripa. Kaya hindi ako natatakot magsalita sa kanya. Natitiyak kong alam niya talaga ang mga bagay na ito, dahil hindi ito nangyari nang palihim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.