Mga Gawa 26

Lalo naʼt alam na alam ninyo ang lahat ng kaugalian at mga pinagtatalunan ng mga Hudyo. Kaya hinihiling ko na kung maaari ay pakinggan nʼyo ang sasabihin ko.

Acts 26:3 (UKJV) Especially because I know you to be expert in all customs and questions which are among the Jews: wherefore I plead to you to hear me patiently.

1Pagkatapos, sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita upang ipagtanggol ang iyong sarili.” Kaya sumenyas si Pablo na magsasalita na siya. Sinabi niya,

2“Haring Agripa, mapalad po ako dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong tumayo sa inyong harapan upang maipagtanggol ang aking sarili sa lahat ng akusasyon ng mga Hudyo laban sa akin.

3Lalo naʼt alam na alam ninyo ang lahat ng kaugalian at mga pinagtatalunan ng mga Hudyo. Kaya hinihiling ko na kung maaari ay pakinggan nʼyo ang sasabihin ko.

4“Alam ng mga Hudyo kung paano ako namuhay mula sa aking pagkabata, sa aking sariling bayan at sa Jerusalem.

5Matagal na nila akong kilala, at kung gugustuhin nilaʼy sila mismo ang makapagpapatunay na namuhay ako ayon sa pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon, ang sekta ng mga Pariseo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.