Mga Gawa 26

Pagkatapos, sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita upang ipagtanggol ang iyong sarili.” Kaya sumenyas si Pablo na magsasalita na siya. Sinabi niya,

Acts 26:1 (UKJV) Then Agrippa said unto Paul, You are permitted to speak for yourself. Then Paul stretched forth the hand, and answered for himself:

1Pagkatapos, sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita upang ipagtanggol ang iyong sarili.” Kaya sumenyas si Pablo na magsasalita na siya. Sinabi niya,

2“Haring Agripa, mapalad po ako dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong tumayo sa inyong harapan upang maipagtanggol ang aking sarili sa lahat ng akusasyon ng mga Hudyo laban sa akin.

3Lalo naʼt alam na alam ninyo ang lahat ng kaugalian at mga pinagtatalunan ng mga Hudyo. Kaya hinihiling ko na kung maaari ay pakinggan nʼyo ang sasabihin ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.