Mga Gawa 26

“Haring Agripa, mapalad po ako dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong tumayo sa inyong harapan upang maipagtanggol ang aking sarili sa lahat ng akusasyon ng mga Hudyo laban sa akin.

Acts 26:2 (UKJV) I think myself happy, king Agrippa, because I shall answer for myself this day before you concerning all the things whereof I am accused of the Jews:

1Pagkatapos, sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita upang ipagtanggol ang iyong sarili.” Kaya sumenyas si Pablo na magsasalita na siya. Sinabi niya,

2“Haring Agripa, mapalad po ako dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong tumayo sa inyong harapan upang maipagtanggol ang aking sarili sa lahat ng akusasyon ng mga Hudyo laban sa akin.

3Lalo naʼt alam na alam ninyo ang lahat ng kaugalian at mga pinagtatalunan ng mga Hudyo. Kaya hinihiling ko na kung maaari ay pakinggan nʼyo ang sasabihin ko.

4“Alam ng mga Hudyo kung paano ako namuhay mula sa aking pagkabata, sa aking sariling bayan at sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.