13Nang umihip ang mahinang hangin mula sa timog, ang akala ng mga kasamahan namin ay maaari na kaming maglayag. Kaya itinaas nila ang angkla at naglayag malapit sa baybayin ng isla ng Creta.
14Hindi nagtagal, bumugso ang malakas na hilagang-silangang hangin mula sa isla ng Creta.
15Pagtama ng malakas na hangin sa amin, hindi na kami makaabante kaya nagpatangay na lang kami kung saan kami dalhin ng hangin.
16Nang nasa bandang timog na kami ng maliit na isla ng Cauda, nakapagkubli kami nang kaunti. Kahit nahirapan kami, naisampa pa namin ang maliit na bangka na dala ng barko upang hindi ito mawasak.
17Nang mahatak na ang bangka, itinali ito nang mahigpit sa barko. Dahil natatakot sila na baka sumayad ang barko malapit sa Libya, ibinaba nila ang layag at nagpatangay sa hangin.