Mga Gawa 27

Nang mahatak na ang bangka, itinali ito nang mahigpit sa barko. Dahil natatakot sila na baka sumayad ang barko malapit sa Libya, ibinaba nila ang layag at nagpatangay sa hangin.

Acts 27:17 (UKJV) Which when they had taken up, they used support cables, undergirding the ship; and, fearing lest they should fall into the quicksand, strake sail, and so were driven.

15Pagtama ng malakas na hangin sa amin, hindi na kami makaabante kaya nagpatangay na lang kami kung saan kami dalhin ng hangin.

16Nang nasa bandang timog na kami ng maliit na isla ng Cauda, nakapagkubli kami nang kaunti. Kahit nahirapan kami, naisampa pa namin ang maliit na bangka na dala ng barko upang hindi ito mawasak.

17Nang mahatak na ang bangka, itinali ito nang mahigpit sa barko. Dahil natatakot sila na baka sumayad ang barko malapit sa Libya, ibinaba nila ang layag at nagpatangay sa hangin.

18Tuloy-tuloy pa rin ang malakas na bagyo, kaya kinabukasan, nagsimula silang magtapon ng mga kargamento sa dagat.

19Nang sumunod pang araw, ang mga kagamitan na mismo ng barko ang kanilang itinapon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.