Mga Gawa 27

Nang nasa bandang timog na kami ng maliit na isla ng Cauda, nakapagkubli kami nang kaunti. Kahit nahirapan kami, naisampa pa namin ang maliit na bangka na dala ng barko upang hindi ito mawasak.

Acts 27:16 (UKJV) And running under a certain island which is called Clauda, we had much work to come by the boat:

14Hindi nagtagal, bumugso ang malakas na hilagang-silangang hangin mula sa isla ng Creta.

15Pagtama ng malakas na hangin sa amin, hindi na kami makaabante kaya nagpatangay na lang kami kung saan kami dalhin ng hangin.

16Nang nasa bandang timog na kami ng maliit na isla ng Cauda, nakapagkubli kami nang kaunti. Kahit nahirapan kami, naisampa pa namin ang maliit na bangka na dala ng barko upang hindi ito mawasak.

17Nang mahatak na ang bangka, itinali ito nang mahigpit sa barko. Dahil natatakot sila na baka sumayad ang barko malapit sa Libya, ibinaba nila ang layag at nagpatangay sa hangin.

18Tuloy-tuloy pa rin ang malakas na bagyo, kaya kinabukasan, nagsimula silang magtapon ng mga kargamento sa dagat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.