Mga Gawa 27

Ngunit sinabi ni Pablo sa kapitan at sa mga sundalo, “Kung aalis ang mga tripulante sa barko, hindi kayo makakaligtas.”

Acts 27:31 (UKJV) Paul said to the centurion and to the soldiers, Except these abide in the ship, all of you cannot be saved.

29At dahil sa takot na sumadsad kami sa mga batuhan, naghulog sila ng apat na angkla sa hulihan ng barko. At nanalangin sila na mag-umaga na sana.

30Gusto sana ng mga tripulante na lisanin na ang barko. Kaya ibinaba nila sa dagat ang maliit na bangka at kunwariʼy maghuhulog lang sila ng mga angkla sa unahan ng barko.

31Ngunit sinabi ni Pablo sa kapitan at sa mga sundalo, “Kung aalis ang mga tripulante sa barko, hindi kayo makakaligtas.”

32Kaya pinutol ng mga sundalo ang mga lubid ng bangka at pinabayaan itong maanod.

33Nang madaling-araw na, pinilit silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Labing-apat na araw na kayong naghihintay na lumipas ang bagyo, at hindi pa kayo kumakain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.