31Ngunit sinabi ni Pablo sa kapitan at sa mga sundalo, “Kung aalis ang mga tripulante sa barko, hindi kayo makakaligtas.”
32Kaya pinutol ng mga sundalo ang mga lubid ng bangka at pinabayaan itong maanod.
33Nang madaling-araw na, pinilit silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Labing-apat na araw na kayong naghihintay na lumipas ang bagyo, at hindi pa kayo kumakain.
34Kaya pakiusap, kumain kayo. Kailangan ninyo ito para makaligtas kayo dahil walang mamamatay sa inyo kahit isa.”
35Pagkatapos magsalita ni Pablo, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat siya sa Diyos. Pinira-piraso niya ang tinapay at kumain.