Mga Gawa 27

Pagkatapos magsalita ni Pablo, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat siya sa Diyos. Pinira-piraso niya ang tinapay at kumain.

Acts 27:35 (UKJV) And when he had thus spoken, he took bread, and gave thanks to God in presence of them all: and when he had broken it, he began to eat.

33Nang madaling-araw na, pinilit silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Labing-apat na araw na kayong naghihintay na lumipas ang bagyo, at hindi pa kayo kumakain.

34Kaya pakiusap, kumain kayo. Kailangan ninyo ito para makaligtas kayo dahil walang mamamatay sa inyo kahit isa.”

35Pagkatapos magsalita ni Pablo, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat siya sa Diyos. Pinira-piraso niya ang tinapay at kumain.

36Lumakas ang kanilang loob at kumain silang lahat.

37Kaming lahat na sakay ng barko ay 276 na katao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.