8Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay sumagot, “Kayong mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo,
9tinatanong ba ninyo kami dahil sa kabutihang ginawa namin sa lalaking lumpo? Nais nʼyo bang malaman kung paano siya gumaling?
10Nais kong ipaalam sa inyong lahat at sa buong sambayanang Israel, na ang taong ito ay pinagaling sa pamamagitan ng pangalan ni Hesu-Kristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos.
11Siya, ‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ang siyang naging batong-panulukan.’
12Walang sinuman ang makapagliligtas sa atin kundi siya lang, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayoʼy maligtas.”