Mga Gawa 4

tinatanong ba ninyo kami dahil sa kabutihang ginawa namin sa lalaking lumpo? Nais nʼyo bang malaman kung paano siya gumaling?

Acts 4:9 (UKJV) If we this day be examined of the good deed done to the impotent man, by what means he is made whole;

7Iniharap sa kanila sina Pedro at Juan at inusisa nila ang mga ito, “Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginawa ang bagay na ito?”

8Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay sumagot, “Kayong mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo,

9tinatanong ba ninyo kami dahil sa kabutihang ginawa namin sa lalaking lumpo? Nais nʼyo bang malaman kung paano siya gumaling?

10Nais kong ipaalam sa inyong lahat at sa buong sambayanang Israel, na ang taong ito ay pinagaling sa pamamagitan ng pangalan ni Hesu-Kristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos.

11Siya, ‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ang siyang naging batong-panulukan.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.