Mga Gawa 4

Iniharap sa kanila sina Pedro at Juan at inusisa nila ang mga ito, “Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginawa ang bagay na ito?”

Acts 4:7 (UKJV) And when they had set them in the midst, they asked, By what power, or by what name, have all of you done this?

5Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo at mga tagapagturo ng Kautusan.

6Naroon si Anas na punong pari, si Caifas, si Juan, si Alejandro, at ang iba pang kamag-anak ng punong pari.

7Iniharap sa kanila sina Pedro at Juan at inusisa nila ang mga ito, “Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginawa ang bagay na ito?”

8Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay sumagot, “Kayong mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo,

9tinatanong ba ninyo kami dahil sa kabutihang ginawa namin sa lalaking lumpo? Nais nʼyo bang malaman kung paano siya gumaling?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.