Mga Gawa 4

Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo at mga tagapagturo ng Kautusan.

Acts 4:5 (UKJV) And it came to pass on the next day, that their rulers, and elders, and scribes,

3Kaya dinakip nila sina Pedro at Juan, at dahil gabi na, ikinulong muna sila pansamantala hanggang mag-umaga.

4Gayunman, marami sa mga nakarinig ng kanilang ipinangaral ang sumampalataya. Umabot sa limang libo ang bilang ng mga sumampalatayang lalaki.

5Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo at mga tagapagturo ng Kautusan.

6Naroon si Anas na punong pari, si Caifas, si Juan, si Alejandro, at ang iba pang kamag-anak ng punong pari.

7Iniharap sa kanila sina Pedro at Juan at inusisa nila ang mga ito, “Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginawa ang bagay na ito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.