4Gayunman, marami sa mga nakarinig ng kanilang ipinangaral ang sumampalataya. Umabot sa limang libo ang bilang ng mga sumampalatayang lalaki.
5Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo at mga tagapagturo ng Kautusan.
6Naroon si Anas na punong pari, si Caifas, si Juan, si Alejandro, at ang iba pang kamag-anak ng punong pari.
7Iniharap sa kanila sina Pedro at Juan at inusisa nila ang mga ito, “Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginawa ang bagay na ito?”
8Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay sumagot, “Kayong mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo,