Mga Gawa 4

Nagpatotoo nang may kapangyarihan ang mga apostol na ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay. At sumakanilang lahat ang dakilang biyaya ng Diyos.

Acts 4:33 (UKJV) And with great power gave the apostles witness of the resurrection of the Lord Jesus: and great grace was upon them all.

31Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang lugar kung saan sila nagkakatipon. Lahat silaʼy napuspos ng Banal na Espiritu at ipinahayag nang buong tapang ang salita ng Diyos.

32Nagkaisa ang mga mananampalataya sa damdamin at isipan. Itinuring ng bawat isa na ang kanilang mga ari-arian ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa lahat.

33Nagpatotoo nang may kapangyarihan ang mga apostol na ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay. At sumakanilang lahat ang dakilang biyaya ng Diyos.

34Wala ni isa sa kanila ang kinakapos, dahil ipinagbibili ng mga may lupa o bahay ang kani-kanilang ari-arian,

35at ang pinagbilhan ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol upang ipamahagi sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.