32Nagkaisa ang mga mananampalataya sa damdamin at isipan. Itinuring ng bawat isa na ang kanilang mga ari-arian ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa lahat.
33Nagpatotoo nang may kapangyarihan ang mga apostol na ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay. At sumakanilang lahat ang dakilang biyaya ng Diyos.
34Wala ni isa sa kanila ang kinakapos, dahil ipinagbibili ng mga may lupa o bahay ang kani-kanilang ari-arian,
35at ang pinagbilhan ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol upang ipamahagi sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.
36Ganoon din ang ginawa ni Jose na isang Levitang ipinanganak sa Cyprus. Tinatawag siya ng mga apostol na Bernabe (na ang ibig sabihin ay “Tagapagpalakas ng Loob”).