Mga Gawa 4

at ang pinagbilhan ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol upang ipamahagi sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.

Acts 4:35 (UKJV) And laid them down at the apostles' feet: and distribution was made unto every man according as he had need.

33Nagpatotoo nang may kapangyarihan ang mga apostol na ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay. At sumakanilang lahat ang dakilang biyaya ng Diyos.

34Wala ni isa sa kanila ang kinakapos, dahil ipinagbibili ng mga may lupa o bahay ang kani-kanilang ari-arian,

35at ang pinagbilhan ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol upang ipamahagi sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.

36Ganoon din ang ginawa ni Jose na isang Levitang ipinanganak sa Cyprus. Tinatawag siya ng mga apostol na Bernabe (na ang ibig sabihin ay “Tagapagpalakas ng Loob”).

37Ipinagbili ni Jose ang kanyang lupa at ibinigay ang pera sa mga apostol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.