34Wala ni isa sa kanila ang kinakapos, dahil ipinagbibili ng mga may lupa o bahay ang kani-kanilang ari-arian,
35at ang pinagbilhan ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol upang ipamahagi sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.
36Ganoon din ang ginawa ni Jose na isang Levitang ipinanganak sa Cyprus. Tinatawag siya ng mga apostol na Bernabe (na ang ibig sabihin ay “Tagapagpalakas ng Loob”).
37Ipinagbili ni Jose ang kanyang lupa at ibinigay ang pera sa mga apostol.