Mga Gawa 5

Pagkaraan ng mga tatlong oras, pumasok ang asawa ni Ananias. Wala siyang kamalay-malay sa nangyari sa asawa niya.

Acts 5:7 (UKJV) And it was about the space of three hours after, when his wife, not knowing what was done, came in.

5Nang marinig iyon ni Ananias, natumba siya at namatay. Lumapit ang mga binata at binalot ang bangkay. Pagkatapos, binuhat ito palabas at inilibing. At ang lahat ng nakarinig sa pangyayaring iyon ay lubhang natakot.

7Pagkaraan ng mga tatlong oras, pumasok ang asawa ni Ananias. Wala siyang kamalay-malay sa nangyari sa asawa niya.

8Tinanong siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito ba ang halaga ng lupang ibinenta ninyo?” Sumagot si Safira, “Oo, iyan nga ang halaga.”

9Kaya sinabi ni Pedro sa kanya, “Paano nʼyo napagkasunduang subukin ang Espiritu ng Panginoon? Nandiyan na ngayon sa pintuan ang mga binatang naglibing sa asawa mo, at bubuhatin ka na rin nila palabas.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.