Mga Gawa 5

Kaya sinabi ni Pedro sa kanya, “Paano nʼyo napagkasunduang subukin ang Espiritu ng Panginoon? Nandiyan na ngayon sa pintuan ang mga binatang naglibing sa asawa mo, at bubuhatin ka na rin nila palabas.”

Acts 5:9 (UKJV) Then Peter said unto her, How is it that all of you have agreed together to tempt the Spirit of the Lord? behold, the feet of them which have buried your husband are at the door, and shall carry you out.

7Pagkaraan ng mga tatlong oras, pumasok ang asawa ni Ananias. Wala siyang kamalay-malay sa nangyari sa asawa niya.

8Tinanong siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito ba ang halaga ng lupang ibinenta ninyo?” Sumagot si Safira, “Oo, iyan nga ang halaga.”

9Kaya sinabi ni Pedro sa kanya, “Paano nʼyo napagkasunduang subukin ang Espiritu ng Panginoon? Nandiyan na ngayon sa pintuan ang mga binatang naglibing sa asawa mo, at bubuhatin ka na rin nila palabas.”

10Noon din ay natumba si Safira sa harapan ni Pedro at namatay. Pumasok ang mga binata, at nang makitang patay na si Safira, binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kanyang asawa.

11Dahil sa mga pangyayaring iyon, matinding takot ang bumalot sa buong iglesya at sa lahat ng nakabalita nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.