Mga Gawa 5

Tinanong siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito ba ang halaga ng lupang ibinenta ninyo?” Sumagot si Safira, “Oo, iyan nga ang halaga.”

Acts 5:8 (UKJV) And Peter answered unto her, Tell me whether all of you sold the land for so much? And she said, Yea, for so much.

7Pagkaraan ng mga tatlong oras, pumasok ang asawa ni Ananias. Wala siyang kamalay-malay sa nangyari sa asawa niya.

8Tinanong siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito ba ang halaga ng lupang ibinenta ninyo?” Sumagot si Safira, “Oo, iyan nga ang halaga.”

9Kaya sinabi ni Pedro sa kanya, “Paano nʼyo napagkasunduang subukin ang Espiritu ng Panginoon? Nandiyan na ngayon sa pintuan ang mga binatang naglibing sa asawa mo, at bubuhatin ka na rin nila palabas.”

10Noon din ay natumba si Safira sa harapan ni Pedro at namatay. Pumasok ang mga binata, at nang makitang patay na si Safira, binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kanyang asawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.