Mga Gawa 6

Kaya mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking may malilinis na pangalan, puspos ng Espiritu at karunungan. Sa kanila namin ibibigay ang tungkuling ito.

Acts 6:3 (UKJV) Wherefore, brethren, look all of you out among you seven men of honest report, full of the Holy Spirit and wisdom, whom we may appoint over this business.

1Nang mga panahong iyon, dumarami na ang mga alagad ni Hesus. Nagreklamo ang mga Hudyong nagsasalita ng Griyego laban sa mga Hudyong nagsasalita ng Hebreo. Itoʼy sa dahilang napapabayaan ang pang-araw-araw na rasyon para sa mga biyuda sa pangkat nila.

2Kaya ipinatawag ng labindalawang apostol ang lahat ng alagad, at sinabihan sila, “Hindi tamang pabayaan namin ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mamahala ng mga rasyon.

3Kaya mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking may malilinis na pangalan, puspos ng Espiritu at karunungan. Sa kanila namin ibibigay ang tungkuling ito.

4At ilalaan naman namin ang aming oras sa pananalangin at sa pangangaral ng salita ng Diyos.”

5Sumang-ayon ang lahat ng mga alagad sa sinabi ng mga apostol. Kaya pinili nila si Esteban na puno ng pananampalataya at puspos ng Banal na Espiritu, sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas na taga-Antioquia. Si Nicolas ay isang Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.