Mga Gawa 6

Sumang-ayon ang lahat ng mga alagad sa sinabi ng mga apostol. Kaya pinili nila si Esteban na puno ng pananampalataya at puspos ng Banal na Espiritu, sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas na taga-Antioquia. Si Nicolas ay isang Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo.

Acts 6:5 (UKJV) And the saying pleased the whole multitude: and they chose Stephen, a man full of faith and of the Holy Spirit, and Philip, and Prochorus, and Nicanor, and Timon, and Parmenas, and Nicolas a proselyte of Antioch:

3Kaya mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking may malilinis na pangalan, puspos ng Espiritu at karunungan. Sa kanila namin ibibigay ang tungkuling ito.

4At ilalaan naman namin ang aming oras sa pananalangin at sa pangangaral ng salita ng Diyos.”

5Sumang-ayon ang lahat ng mga alagad sa sinabi ng mga apostol. Kaya pinili nila si Esteban na puno ng pananampalataya at puspos ng Banal na Espiritu, sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas na taga-Antioquia. Si Nicolas ay isang Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo.

6Dinala nila ang mga napiling ito sa mga apostol. Silaʼy ipinanalangin ng mga ito at pinatungan ng kamay bilang pagtatalaga sa tungkulin.

7Kaya patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at mabilis na dumami ang mga naging alagad sa Jerusalem, at maraming paring Hudyo ang sumampalataya sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.