Amos 1

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Siria: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Damasco, parurusahan ko sila. Sapagkat pinagmalupitan nila ang mga taga-Gilead na parang giniik ng tabla na may mga ngiping bakal sa ilalim.

Amos 1:3 (UKJV) Thus says the LORD; For three transgressions of Damascus, and for four, I will not turn away the punishment thereof; because they have threshed Gilead with threshing instruments of iron:

1Ito ang mga pahayag ni Amos na isa sa mga pastol ng kawan ng tupa sa bayan ng Tekoa. Ang mga pangitaing ito tungkol sa Israel ay ipinakita sa kanya noong panahon na si Uzias ang hari ng Juda at si Jeroboam na anak ni Jehoas ang hari ng Israel, dalawang taon bago lumindol.

2Sinabi ni Amos: “Umaatungal ang Panginoon mula sa Zion; dumadagundong ang tinig niya mula sa Jerusalem. Dahil dito natutuyo ang mga pastulan ng mga pastol at nalalanta ang mga tanim sa tuktok ng Bundok ng Carmel.”

3Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Siria: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Damasco, parurusahan ko sila. Sapagkat pinagmalupitan nila ang mga taga-Gilead na parang giniik ng tabla na may mga ngiping bakal sa ilalim.

4Kaya susunugin ko ang palasyo ni Haring Hazael at ang matitibay na bahagi ng Damasco na ipinagawa ng anak niyang si Haring Ben-hadad.

5Wawasakin ko ang pintuan ng Damasco at papatayin ko ang pinuno ng Lambak ng Aven at ng Bet-eden. Bibihagin at dadalhin sa Kir ang mga mamamayan ng Siria. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.