Amos 1

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Gaza, parurusahan ko sila. Sapagkat binihag nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan at ipinagbili bilang mga alipin sa Edom.

Amos 1:6 (UKJV) Thus says the LORD; For three transgressions of Gaza, and for four, I will not turn away the punishment thereof; because they carried away captive the whole captivity, to deliver them up to Edom:

4Kaya susunugin ko ang palasyo ni Haring Hazael at ang matitibay na bahagi ng Damasco na ipinagawa ng anak niyang si Haring Ben-hadad.

5Wawasakin ko ang pintuan ng Damasco at papatayin ko ang pinuno ng Lambak ng Aven at ng Bet-eden. Bibihagin at dadalhin sa Kir ang mga mamamayan ng Siria. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Gaza, parurusahan ko sila. Sapagkat binihag nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan at ipinagbili bilang mga alipin sa Edom.

7Kaya susunugin ko ang mga pader ng Gaza at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito.

8Lilipulin ko ang mga pinuno ng Asdod at ng Ashkelon, at parurusahan ko ang mga taga-Ekron. At ang mga Filisteong makakatakas sa parusa ay mamamatay din. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.