Amos 2

Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Moab: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Moab, parurusahan ko sila. Sapagkat sinunog nila ang mga buto ng hari ng Edom hanggang sa maging abo ito.

Amos 2:1 (UKJV) Thus says the LORD; For three transgressions of Moab, and for four, I will not turn away the punishment thereof; because he burned the bones of the king of Edom into lime:

1Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Moab: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Moab, parurusahan ko sila. Sapagkat sinunog nila ang mga buto ng hari ng Edom hanggang sa maging abo ito.

2Kaya susunugin ko ang Moab pati na ang matitibay na bahagi ng Keriot. Mamamatay ang mga taga-Moab habang nagsisigawan at nagpapatunog ng mga trumpeta ang kanilang mga kaaway na sumasalakay sa kanila.

3Mamamatay pati ang kanilang hari at ang lahat ng kanyang mga opisyal,” sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.