Amos 2

Kaya susunugin ko ang Juda pati na ang matitibay na bahagi ng Jerusalem.”

Amos 2:5 (UKJV) But I will send a fire upon Judah, and it shall devour the palaces of Jerusalem.

3Mamamatay pati ang kanilang hari at ang lahat ng kanyang mga opisyal,” sabi ng Panginoon.

4Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Juda: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Juda, parurusahan ko sila. Sapagkat itinakwil nila ang aking mga kautusan at hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Iniligaw sila ng paglilingkod nila sa mga diyos-diyosang pinaglingkuran din ng kanilang mga ninuno.

5Kaya susunugin ko ang Juda pati na ang matitibay na bahagi ng Jerusalem.”

6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Israel, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang.

7Ginigipit nila ang mga mahihirap at hindi binibigyan ng katarungan. Mayroon sa kanila na mag-amang nakikipagtalik sa iisang babae. Dahil dito nilalapastangan nila ang aking banal na pangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.