Amos 3

Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Lulusubin sila ng mga kaaway at gigibain ang kanilang mga kampo. Sasamsamin ng mga kaaway ang mga ari-arian sa matitibay na bahagi ng kanilang lungsod.”

Amos 3:11 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; An adversary there shall be even round about the land; and he shall bring down your strength from you, and your palaces shall be spoiled.

9Ipahayag ninyo sa mga pinunong nakatira sa matitibay na bahagi ng Asdod at Ehipto, “Magtipon kayo sa mga burol sa paligid ng Samaria at tingnan ninyo ang kaguluhang nangyayari sa lungsod na ito at ang panggigipit sa mga mamamayan nito.”

10Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon laban sa Samaria: “Hindi sila marunong gumawa ng matuwid. Ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod ay puno ng mga bagay na ninakaw at sinamsam.”

11Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Lulusubin sila ng mga kaaway at gigibain ang kanilang mga kampo. Sasamsamin ng mga kaaway ang mga ari-arian sa matitibay na bahagi ng kanilang lungsod.”

12Ito pa ang sinasabi ng Panginoon: “Ang maililigtas lang ng isang pastol sa tupang sinisila ng leon ay maaaring dalawang paa o isang tainga lamang. Ganoon din ang mangyayari sa inyong mga Israelitang nakatira sa Samaria; wala kayong maililigtas kundi bahagi na lamang ng inyong magagandang higaan.”

13Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, Panginoong Diyos ng mga Hukbo, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko at sabihin din ninyo ito sa mga lahi ni Jacob:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.