8Sino ang hindi matatakot kung umaatungal na ang leon? Sino kaya ang hindi magpapahayag ng mensahe ng Makapangyarihang Panginoon kung ang Makapangyarihang Panginoon na mismo ang nagsasalita sa kanya?
9Ipahayag ninyo sa mga pinunong nakatira sa matitibay na bahagi ng Asdod at Ehipto, “Magtipon kayo sa mga burol sa paligid ng Samaria at tingnan ninyo ang kaguluhang nangyayari sa lungsod na ito at ang panggigipit sa mga mamamayan nito.”
10Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon laban sa Samaria: “Hindi sila marunong gumawa ng matuwid. Ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod ay puno ng mga bagay na ninakaw at sinamsam.”
11Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Lulusubin sila ng mga kaaway at gigibain ang kanilang mga kampo. Sasamsamin ng mga kaaway ang mga ari-arian sa matitibay na bahagi ng kanilang lungsod.”
12Ito pa ang sinasabi ng Panginoon: “Ang maililigtas lang ng isang pastol sa tupang sinisila ng leon ay maaaring dalawang paa o isang tainga lamang. Ganoon din ang mangyayari sa inyong mga Israelitang nakatira sa Samaria; wala kayong maililigtas kundi bahagi na lamang ng inyong magagandang higaan.”