Amos 3

Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Makapangyarihang Panginoon na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta.

Amos 3:7 (UKJV) Surely the Lord GOD will do nothing, but he reveals his secret unto his servants the prophets.

5Mahuhuli ba ang ibon kung walang pain na inilagay sa bitag? At iigkás ba ang bitag kung walang nahuli?

6Hindi baʼt nanginginig sa takot ang mga tao sa tuwing patutunugin ang trumpeta na nagpapahiwatig na may paparating na kaaway? Mangyayari ba ang kapahamakan sa isang lungsod kung hindi ito pinahintulutan ng Panginoon?

7Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Makapangyarihang Panginoon na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta.

8Sino ang hindi matatakot kung umaatungal na ang leon? Sino kaya ang hindi magpapahayag ng mensahe ng Makapangyarihang Panginoon kung ang Makapangyarihang Panginoon na mismo ang nagsasalita sa kanya?

9Ipahayag ninyo sa mga pinunong nakatira sa matitibay na bahagi ng Asdod at Ehipto, “Magtipon kayo sa mga burol sa paligid ng Samaria at tingnan ninyo ang kaguluhang nangyayari sa lungsod na ito at ang panggigipit sa mga mamamayan nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.