Amos 3

Mahuhuli ba ang ibon kung walang pain na inilagay sa bitag? At iigkás ba ang bitag kung walang nahuli?

Amos 3:5 (UKJV) Can a bird fall in a snare upon the earth, where no animal trap is for him? shall one take up a snare from the earth, and have taken nothing at all?

3Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang tao kung hindi sila magkasundo?

4Umaatungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang mabibiktima? Aatungal ba siya sa loob ng kanyang yungib kung wala siyang nahuli?

5Mahuhuli ba ang ibon kung walang pain na inilagay sa bitag? At iigkás ba ang bitag kung walang nahuli?

6Hindi baʼt nanginginig sa takot ang mga tao sa tuwing patutunugin ang trumpeta na nagpapahiwatig na may paparating na kaaway? Mangyayari ba ang kapahamakan sa isang lungsod kung hindi ito pinahintulutan ng Panginoon?

7Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Makapangyarihang Panginoon na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.