25“Mga mamamayan ng Israel, noong nasa ilang ang inyong mga ninuno sa loob ng apatnapung taon, naghandog ba sila sa akin? Hindi!
26At ngayon ay buhat-buhat ninyo si Sakut, ang diyos-diyosang itinuturing ninyong hari, at si Kaiwan, ang diyos-diyosan ninyong bituin. Ginawa ninyo itong mga imahen para sambahin.
27Kaya ipapabihag ko kayo at dadalhin sa kabila pa ng Damasco,” sabi ng Panginoon na tinatawag na Panginoong Makapangyarihan.