9Kung may sampung tao na matitira sa isang bahay, lahat sila ay mamamatay.
10Kukunin ang mga bangkay na ito ng kanyang kamag-anak at ilalabas sa bahay upang sunugin. Itatanong niya sa sinumang nagtatago sa kaloob-looban ng bahay, “May kasama ka pa riyan?” Kapag ang sagot ay wala, sasabihin ng kamag-anak, “Tumahimik ka! Huwag mong banggitin ang pangalan ng Panginoon.”
11Ang totoo, kapag ang Panginoon na ang nag-uutos, mawawasak ang lahat ng bahay, malaki man o maliit.
12Makakatakbo ba ang kabayo sa batuhan? Makakapag-araro ba ang baka roon? Siyempre hindi! Subalit ginawa ninyong lason ang katarungan, at ang katuwiran ay ginawa ninyong masama.
13Tuwang-tuwa kayo nang nasakop ninyo ang mga bayan ng Lodebar at Karnaim, at sinasabi ninyo, “Natalo natin sila sa pamamagitan ng sarili nating kalakasan.”