Amos 6

Tuwang-tuwa kayo nang nasakop ninyo ang mga bayan ng Lodebar at Karnaim, at sinasabi ninyo, “Natalo natin sila sa pamamagitan ng sarili nating kalakasan.”

Amos 6:13 (UKJV) All of you which rejoice in a thing of nothing, which say, Have we not taken to us horns by our own strength?

11Ang totoo, kapag ang Panginoon na ang nag-uutos, mawawasak ang lahat ng bahay, malaki man o maliit.

12Makakatakbo ba ang kabayo sa batuhan? Makakapag-araro ba ang baka roon? Siyempre hindi! Subalit ginawa ninyong lason ang katarungan, at ang katuwiran ay ginawa ninyong masama.

13Tuwang-tuwa kayo nang nasakop ninyo ang mga bayan ng Lodebar at Karnaim, at sinasabi ninyo, “Natalo natin sila sa pamamagitan ng sarili nating kalakasan.”

14Ngunit ito ang sagot ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, “Kayong mga mamamayan ng Israel ay ipasasalakay ko sa isang bansa. Pahihirapan nila kayo at sasakupin ang inyong lugar mula Lebo-hamat hanggang sa lambak ng Araba.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.