9Gigibain ko ang mga sambahan ng lahi ni Isaac sa matataas na lugar; wawasakin ko ang mga santuwaryo ng mga Israelita. At gamit ang aking tabak, lalabanan ko ang sambahayan ni Haring Jeroboam.”
10Si Amazia na pari sa Betel ay nagpadala ng mensahe kay Haring Jeroboam ng Israel. Sinabi niya: “May binabalak na masama si Amos laban sa iyo rito mismo sa Israel. Hindi na matiis ng mga tao ang kanyang mga sinasabi.
11Sinasabi niya, ‘Mamamatay si Jeroboam sa labanan, at tiyak na bibihagin ang mga taga-Israel at dadalhin sa ibang bansa.’ ”
12Sinabi ni Amazia kay Amos, “Ikaw na propeta, umalis ka rito at bumalik sa Juda. Doon mo gawin ang iyong hanapbuhay bilang propeta.
13Huwag ka nang magpahayag ng mensahe ng Diyos dito sa Betel, sapagkat nandito ang templong sinasambahan ng hari, ang templo ng kanyang kaharian.”