7Ito pa ang ipinakita sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Nakita ko ang Panginoon na nakatayo malapit sa pader at may hawak na panghulog na ginagamit para malaman kung tuwid ang pagkagawa ng pader.
8Tinanong ako ng Panginoon, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Panghulog po.” Sinabi niya sa akin, “Batay sa aking panukat, hindi matuwid ang buhay ng mga mamamayan kong Israelita. Kaya ngayon hindi ko na sila kaaawaan.
9Gigibain ko ang mga sambahan ng lahi ni Isaac sa matataas na lugar; wawasakin ko ang mga santuwaryo ng mga Israelita. At gamit ang aking tabak, lalabanan ko ang sambahayan ni Haring Jeroboam.”
10Si Amazia na pari sa Betel ay nagpadala ng mensahe kay Haring Jeroboam ng Israel. Sinabi niya: “May binabalak na masama si Amos laban sa iyo rito mismo sa Israel. Hindi na matiis ng mga tao ang kanyang mga sinasabi.
11Sinasabi niya, ‘Mamamatay si Jeroboam sa labanan, at tiyak na bibihagin ang mga taga-Israel at dadalhin sa ibang bansa.’ ”