Amos 7

May ipinakita pa ang Makapangyarihang Panginoon sa akin: Nakita kong naghahanda siya upang parusahan ang kanyang mga mamamayan sa pamamagitan ng apoy. Pinatuyo ng apoy ang pinanggagalingan ng tubig sa ilalim ng lupa, at sinunog ang lahat ng nandoon sa lupain ng Israel.

2nakita kong kinain ng mga balang ang lahat ng tanim at walang natira. Kaya sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nakikiusap po ako na patawarin nʼyo na ang mga lahi ni Jacob. Paano sila mabubuhay kung parurusahan nʼyo sila? Mahina po sila at walang kakayahan.”

3Kaya nagbago ang isip ng Panginoon. At kanyang sinabi, “Hindi na mangyayari ang nakita mo.”

4May ipinakita pa ang Makapangyarihang Panginoon sa akin: Nakita kong naghahanda siya upang parusahan ang kanyang mga mamamayan sa pamamagitan ng apoy. Pinatuyo ng apoy ang pinanggagalingan ng tubig sa ilalim ng lupa, at sinunog ang lahat ng nandoon sa lupain ng Israel.

5Kaya sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nakikiusap po ako sa inyo na huwag nʼyong gawin iyan. Paano mabubuhay ang mga lahi ni Jacob kung gagawin nʼyo po iyan? Mahina po sila at walang kakayahan.”

6Kaya nagbago ang isip ng Makapangyarihang Panginoon. At sinabi niya, “Hindi na mangyayari ang nakita mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.