4May ipinakita pa ang Makapangyarihang Panginoon sa akin: Nakita kong naghahanda siya upang parusahan ang kanyang mga mamamayan sa pamamagitan ng apoy. Pinatuyo ng apoy ang pinanggagalingan ng tubig sa ilalim ng lupa, at sinunog ang lahat ng nandoon sa lupain ng Israel.
5Kaya sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nakikiusap po ako sa inyo na huwag nʼyong gawin iyan. Paano mabubuhay ang mga lahi ni Jacob kung gagawin nʼyo po iyan? Mahina po sila at walang kakayahan.”
6Kaya nagbago ang isip ng Makapangyarihang Panginoon. At sinabi niya, “Hindi na mangyayari ang nakita mo.”
7Ito pa ang ipinakita sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Nakita ko ang Panginoon na nakatayo malapit sa pader at may hawak na panghulog na ginagamit para malaman kung tuwid ang pagkagawa ng pader.
8Tinanong ako ng Panginoon, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Panghulog po.” Sinabi niya sa akin, “Batay sa aking panukat, hindi matuwid ang buhay ng mga mamamayan kong Israelita. Kaya ngayon hindi ko na sila kaaawaan.