8Dahil ditoʼy mayayanig ang lupa, at ang lahat ng taoʼy magluluksa. Ang buong lupain ay aangat katulad ng Ilog Nilo; magugulo ito at pagkatapos ay muling lulubog katulad ng ilog ng Ehipto.
9Sa araw na iyon,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon “palulubugin ko ang araw sa katanghaliang tapat, kaya didilim ang buong lupain kahit araw pa.
10Gagawin kong iyakan ang kasayahan sa inyong pista, at ang inyong pag-aawitan ay magiging panaghoy. Pagdadamitin ko kayo ng sako at uutusang magpakalbo upang ipakita ang inyong pagdadalamhati, katulad ng mga magulang na umiiyak sa pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak. Ngunit magiging mas masakit pa ang huling parusa.”
11“Darating ang araw,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon, “na padadalhan ko ng taggutom ang inyong lupain. Ngunit hindi ito pagkagutom sa pagkain o pagkauhaw sa tubig, kundi pagkagutom at pagkauhaw sa aking mga salita.
12Pagod na pagod na kayo at naghahanap mula sa hilaga hanggang silangan sa paghahanap ng mga taong makakapagpahayag sa inyo ng salita ng Panginoon, ngunit hindi ninyo matagpuan kahit saan kayo pumunta.