2Tinanong niya ako, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Isang basket po ng mga hinog na prutas.” Sinabi sa akin ng Panginoon, “Dumating na ang katapusan ng mga mamamayan kong Israelita. Hindi ko na sila kaaawaan.
3“Sa araw na iyon, ang masasayang awitan sa templo ay magiging iyakan dahil kakalat ang patay kahit saan. At wala nang maririnig na ingay. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
4Makinig kayo, kayong mga nanggigipit sa mga mahihirap at nagtatangkang lipulin sila.
5Sabi ninyo, “Kailan matatapos ang Pista ng Bagong Buwan o ang Araw ng Pamamahinga para makapagbenta na tayo ng mga inaning butil?” Inip na inip na kayong mandaya sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang, pagtataas sa presyo at maling takalan.
6Nagmamadali kayong makapagbenta ng mga butil na hinaluan ng ipa, upang makabili kayo ng taong dukha na ipinagbibiling alipin dahil hindi siya makabayad ng kanyang utang, kahit ang utang niya ay kasinghalaga lamang ng isang pares ng sandalyas.