4Makinig kayo, kayong mga nanggigipit sa mga mahihirap at nagtatangkang lipulin sila.
5Sabi ninyo, “Kailan matatapos ang Pista ng Bagong Buwan o ang Araw ng Pamamahinga para makapagbenta na tayo ng mga inaning butil?” Inip na inip na kayong mandaya sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang, pagtataas sa presyo at maling takalan.
6Nagmamadali kayong makapagbenta ng mga butil na hinaluan ng ipa, upang makabili kayo ng taong dukha na ipinagbibiling alipin dahil hindi siya makabayad ng kanyang utang, kahit ang utang niya ay kasinghalaga lamang ng isang pares ng sandalyas.
7Kaya sumumpa ang Panginoon, ang Diyos na ipinagmamalaki ng mga lahi ni Jacob: “Hindi ko makakalimutan ang lahat ng kasamaan na ginawa ninyo.
8Dahil ditoʼy mayayanig ang lupa, at ang lahat ng taoʼy magluluksa. Ang buong lupain ay aangat katulad ng Ilog Nilo; magugulo ito at pagkatapos ay muling lulubog katulad ng ilog ng Ehipto.