Mga Taga-Colosas 1

Ngunit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig ninyo. Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag na sa buong mundo, at akong si Pablo ay naging lingkod nito.

Colossians 1:23 (UKJV) If all of you continue in the faith grounded and settled, and be not moved away from the hope of the gospel, which all of you have heard, and which was preached to every creature which is under heaven; whereof I Paul am made a minister;

21Noong unaʼy hiwalay kayo sa Diyos, at kayoʼy mga kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa.

22Subalit ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Kristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan.

23Ngunit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig ninyo. Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag na sa buong mundo, at akong si Pablo ay naging lingkod nito.

24Masaya ako sa mga nararanasan kong paghihirap para sa inyo. Dahil dito, napupunan ko ang kulang sa mga paghihirap ni Kristo para sa iglesya na kanyang katawan.

25Itinalaga ako ng Diyos na maging tagapaglingkod ng iglesya upang lubusang ipahayag ang mensahe niya sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.