Mga Taga-Colosas 1

Masaya ako sa mga nararanasan kong paghihirap para sa inyo. Dahil dito, napupunan ko ang kulang sa mga paghihirap ni Kristo para sa iglesya na kanyang katawan.

Colossians 1:24 (UKJV) Who now rejoice in my sufferings for you, and fill up that which is behind of the afflictions of Christ in my flesh for his body's sake, which is the church:

22Subalit ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Kristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan.

23Ngunit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig ninyo. Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag na sa buong mundo, at akong si Pablo ay naging lingkod nito.

24Masaya ako sa mga nararanasan kong paghihirap para sa inyo. Dahil dito, napupunan ko ang kulang sa mga paghihirap ni Kristo para sa iglesya na kanyang katawan.

25Itinalaga ako ng Diyos na maging tagapaglingkod ng iglesya upang lubusang ipahayag ang mensahe niya sa inyo.

26Ito ang planong inilihim niya noon sa naunang mga panahon at mga salinlahi, ngunit ngayon ay inihayag na sa ating mga hinirang niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.