Mga Taga-Colosas 1

Itinalaga ako ng Diyos na maging tagapaglingkod ng iglesya upang lubusang ipahayag ang mensahe niya sa inyo.

Colossians 1:25 (UKJV) Whereof I am made a minister, according to the dispensation of God which is given to me for you, to fulfill the word of God;

23Ngunit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig ninyo. Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag na sa buong mundo, at akong si Pablo ay naging lingkod nito.

24Masaya ako sa mga nararanasan kong paghihirap para sa inyo. Dahil dito, napupunan ko ang kulang sa mga paghihirap ni Kristo para sa iglesya na kanyang katawan.

25Itinalaga ako ng Diyos na maging tagapaglingkod ng iglesya upang lubusang ipahayag ang mensahe niya sa inyo.

26Ito ang planong inilihim niya noon sa naunang mga panahon at mga salinlahi, ngunit ngayon ay inihayag na sa ating mga hinirang niya.

27Nais ng Diyos na ihayag sa kanila ang masagana at kamangha-mangha niyang planong para din sa mga Hentil. At ito ang lihim na plano: Si Kristo ay sumasainyo at ito ang batayan ng pag-asa na inyong makakamtan ang napakabuting kalagayan sa hinaharap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.